5.5.09

Pag umattend ka ng birthday!




Hindi ko pa rin mapaniwalaan na marami palang pwedeng mangyari pag umattend ka ng isang simpleng birthday. Yup, alam ko naman kung anong klase ng crowd ang aabutan ko sa party and of course alam ko rin na magugustuhan ko. But my expectations were exceeded by the visitors themselves.

Okay, pag party ng mga bading syempre meron talagang competition kung sino ang may pinakamataas na tili o tilaok sa pagkanta. Walang nagpatalo as usual...at meron ng tension sa part na to. At ang hindi ko rin alam...ang mga bading na nandon e magjojowa na rin pala.

The crowd was divided into three groups...the girls, the gay gays and the "mayettes" - mga mayang bading na ayaw talagang magladlad ngunit ang mga kamay ay gumagapang na ala sawa sa kung saan-saan (yun na!)

At syempre ang dahilan kung bakit ako nanghambalos ng silya ay ang mga mayette. Kung bakit...sa inggit..dahil wala naman akong balak magpaligaw ng gabing yun e walang ginawa ang iba kundi magpacute...asus parang magkakaedad lang kami e halos isang dekada ang tanda ko sa mga closeta!

Well, hindi ko sila masisisi..me powers tayo over this matter. Alam ko mahirap intindihin (bakit ako ba naiintindihan ko?) Basta...kayo na ang bahala.

Malapit ko na rin palang iiwan naman ang Pinas after three months of rehabilitation sa shoe at perfume addiction ko...start na naman uli but I promised myself na my blog will be always fresh and that I won't forget na me blog pala ako!

Z Ya

4.5.09

Taon akong di nakabalik!


Ewan ko ba kung bakit inabot yata ng kung ilang taon bago ako nakapagsulat sa blog ko. Marami nang nangyari...me dumating,...me nawala. Pero heto pa rin ako..I still keep on dreaming. Me napanood nga ako na movie...ang tanong ng bata, "What if your dream is bad?" Ang sagot ng matanda.."Dream again!"


Kung usapang puso..ay wala tayong paguusapan kasi medyo kritikal ang kondisyon ko. Me nawala nga di ba? Pero me gustong pumasok ngunit parang unfair naman yatang magpapasok e meron pang laman...dumi siguro..lilinisin ko muna.


I am not really feeling well kaya heto muna...para lang may maisulat ako...naalala ko kasi na meron pala akong blog! Hahaha..nakakatawa noh para akong tanga!


Heto na naman ako...dreaming!


Rain

3.5.08

Parang Kapuso na ako Kapamilya!


I had time to watch the two channels this vacation and I can see the differences in their shows lalo na sa primetime. I like Lobo, with Piolo and Angel pero mas gusto ko ang storyline ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA. Ang effects ng Joaquin Bordado at Kamadag mas maganda kesa Kung Fu Kids at Lobo.


Now enter Dyesebel, doon na ako nakaramdam na parang I like GMA na compared sa ABS. Dati ang tingin ko sa GMA e bakya but actually they are producing very good shows. Di lang primetime pero pati na rin sa umaga at tanghali. Of course I still like Boy and Kris kesa SIS. Ang sis pangit na kasi e di tulad ng dati. At sa Wowowee yong portion lang na me iyakan pero masaya pa rin ang EB.


Pero ang hindi ko talaga patatawarin ay ang Dyesebel. Josco bata pa lang ako sinubaybayan ko na ang story ng buhay ng sirenang to sa komiks. Di ko palalampasin hanggang sa huli.


Mga Kapamilya, Kapuso na ata ako!

2.5.08

Will you feel LOVE sa TEXT MESSAGE?

Bumalik sa work si Mokong 2 days ago, feeling ko iiwanan nya na ako for good. Ang sama sama ng pakiramdam ko kasi nga ilang weeks na lang at ako naman ang aalis. One year na naman
kaming di magkikita. Then I sent him a series of text messages telling him how much I love
him at namimiss ko na sya kaagad. Replies came a bit late siguro mga 5 minutes.
Then parang walang feelings akong nararamdaman from his messages.
Yong tipong, ok, I'm good, busy ako, pupunta ako ngayong ng Davao, then Iligan tapos Cagayan. Alam ko namang super busy sya but he at least could've spared some time sending me sincere replies. Di yong parang iniisip ko pa kung gusto ba nyang makipagusap or napipilitan lang
sya.
Previously, tinanong nya akin kung nakakita na ba ako ng magandang engagement ring na bibilhin namin. Napagkasunduan kasi naming bumili ng tig-isang pair ng rings. Tapos exchange
na lang kami. E hindi pa ako nakakahanap kasi nga parang limited dito. My plan is to buy in Hong Kong or in Singapore. Sinabi nya sa kin na kung gusto ko gusto o kung ayaw ko e ayaw. Tahimik lang kasi ako pag ganun na. I won't defend myself kasi dapat alam nya na seryoso naman
ako sa lahat.
Feeling ko tuloy yon ang dahilan why he suddenly got cold and now colder. Naguguluhan ako. Oo alam ko na konti lang talagang relasyon na katulad netong sa min na naging successful and I am
trying my best that ours will be for keeps. Ewan ko. Siguro sa ngayon I will just wait and be patient kasi I know he is building a new career in business at ayaw ko
namang makaistorbo. What I am asking is just a bit of time kasi di naman ako magtatagal.I admit na confused ako ngayon and I am really sad. Kaya nga gusto kong malaman - Will you feel the love sa Text Message, Will you feel that one is falling out of love sa Text Message?

In-love pa rin ako!


Before, I thought na di talaga ako iibig. Pero wag ka, nameet ko sa daan si Kupido at hayun sinaksak ako ng punyetang arrow nya (ano ba sa tagalog?). Nainlove ang pota. And it was and still is a good feeling. Pero hindi naman palagi stable ang feelings na 'to. I know marami sa inyo ang makakarelate. Dahil nga so far away ako sa kanya, me mga times na feeling ko di na sya mahal (walang other party/parties involved ha!). Feeling ko lang yun kasi nga di naman tuloy tuloy ang communication, busy sya, busy ako.


Pero alam ko love ko si Mokong (di na real name tse!). At napatunayan ko yun ngayong bakasyon ko. Super cry pa nga ako ng he left for work at matagal naman kaming di magkikita. Di to gwapo, di rin maskulado, basta, lahat minahal ko sa kanya. Matalino kasi, di ako makasabat. Power ko bibig pero di ako nakakaporma, ewan ko ba?


Seryoso na 'to. Di sa tumatanda ako ha. Shet, si Bru (aso namin) lang ang tumatanda! Sabi nya engaged na kami, wala pa ngang singsing, wa pa sa budget pero sabi ko buy sya ng singsing and then buy din ako para fair di ba?


At para malinawan kayo, pareho kaming chos! Yes, di sa uso ang same feathers make tira each other ha, nagmamahalan kami. Corny pero nalaman ko na ang pagmamahal pala corny man o hindi nagbibigay ng rason para tayo lumaban sa buhay, maging maligaya at kontento!


Love You Macoy!

Pakapalan na lang ng FACE!


Bago ko pa pinost to e matagal akong nag-isip kung gagawin ko ba. Sa tanang buhay ko di ako nagdamit o nagayos babae. Ngayon lang. Kung kelan pa ako mawawala na sa kalendaryo e don pa ako kumiri. Pero bakit ba? E sa gusto ko at wala namang pwedeng pumigil sa akin, blog ko 'to.


Alam ko na me ilan sa inyo ang tutumbling o di kaya ay mamamatay sa katatawa (condolence na lang!), pero kiber na, watch na lang and do your thing.


COMMENT NA LANG KUNG GUSTO O AYAW!

I have been gone for a YEAR!


I almost forgot that I have a blog and one of my fancy friends reminded me that she liked one of my posts. WTF! I got a blog. Then I revisited and I knew how much I have missed writing. Friendster doesn't open that much freedom for people to express their feelings in longer narratives (I mean, like five pages or more!)


I am happy to be back and you should be!

31.3.08

Hindi ko kinakaya!

Ang init sa Pilipinas. I am not saying na hindi mainit sa mga bansang pinanggalingan ko but the Philippines is way hotter. Ewan ko ba! Kung pwede nga lang magdala ng aircon sa back pack e ginawa ko na.

But I am happy to be home. Medyo ang haba ng kontrata ko this time. Naka almost 14 months din ako.

I am trying to complete my new house. Sofa pa lang at kama ang nandon e.

So guys tell me what's happening with you naman.

25.11.06

Mga sari-saring mukha sa iisang linggo!











Andaming nangyari sa loob ng isang linggo...and only this time I realized that faces could actually change in a matter of days.

Who said they're off...this was last 23rd ok!

Vietnam, the capital of bikes and Jolie-Pitt were there. Why can't I be in the same place.

It's Official!







Tom and Katie Wed and I finally saw Suri.






18.11.06

Issues that made way to my radar this week.







Ang nagbulaga sa akin ng nakaraang linggo.






1. Si Britney nagpapayat at hiniwalayan ang asawa. She should have done that a long time ago, she married a bastard, a user, and a talentless ass#$%*.






2. Reese and Ryan, naghiwalay. I followed their married life kaya nga nang nabasa ko sa Us Weekly na they separated parang nagulantang ako. After 7 years ng pagsasama...siguro me isa sa kanila at natutong magparaya ngunit hindi nakaya. Hindi si Reese yun sigurado ako. Someone must have cruel intentions.






3. Janet's 20 y.o. album, hindi nabenta. Ito ang dahilang ko bakit nagresign ako nobyo nya sa music label ang menamanage nito dahil nga hindi kumita ang album ni babaeng Michael. Kasi naman 40 ka na, tapos ang packaging mo parang pang 18 kaya natsugi.






4. Filipinang kumakain ng tao. Hindi ako nakakain ng lunch ng nabasa ko sa email ang issueng ito. Mga walanghiyang kaibigan ko nagpadala ba naman ng email before 12 noon. Im not sure kong this is true, puwedeng hoax na naman ala-CSI. Kadiri super grabe. Aba, La Salle na ako.

G4M andami na namin


I joined G4M a year ago at nakailan na rin akong palit ng profile kaya parang kakasali ko pa rin. Andami ko na ring nakilala, naging kaibigan at naging kaaway. Nagkita, me nangyari at wala. Dito ko rin napagalaman na talagang iba-iba ang trip na tao sa buhay.


Nong una akala ko alang magkakagusto sa akin kasi chubby nga ako although talagang conceited ako na sabihing cute ako. Asus, me magrereact na naman nito. Pero daan na yata ang nakachat ko.


Nakakatuwa at nakakaexcite magcheck ng mails pag halos araw araw may bumabati sa yo nangungumusta, nagaapreciate, at nangungutang. Yes, some do ask if they could borrow money.


Pauwi na naman ako so inexpect ko na naman na mapapagod ako sa kakameet sa mga naging kaibigan ko kasi kahit na sa web lang kami naging magkaibigan parang I obliged myself to see them para at least magkaron ng totong structure at depth yong pagkakaibigan namin, not to mention the deeper side of it, hahahaha.


Sasabihin ng iba, G4M - sa mga mahihilig lang yan, maaaring totoo pero meron din naman ang mga seryoso sa pakikipagkaibigan, kung sa ibang usapan naman e di ok lang basta trip nyo ang isat isa wala lang bastusan.


Ala na lang pakialaman para lahat masaya. We just have to respect our differences and honor our similarities.


Rain

Squiz zo tight!


With Mr. G and Jenny Silver. Mr. G is the Security Manager and Jenny is my twin sister...wicked twin sister.


Hotman Thess FC Jenny Sir Doods Ivy and Muah


This pic was taken during the celebration of Star Cruises' 13th Anniversary in the Galaxy of the Stars.

Another, Another, Another


Isa pa 'to...siguro naiinis na kayo kasi sunod sunod ang pics na pareho ang motiff. Wala akong magawa kasi ito lang ang latest. I'll have new ones tomorrow after the mass. Yes, nagsisimba ako.

We can never make it to Project Catwalk Liz Hurley.


With me is Jenny Silver...Silvederio. If her dreams of establishing a fashion empire will come true, she's going to name it JENNY SILVER. Aba, at pinagpraktisan ako ng italianang ito...ITA.


Harbour City Did It Again!


It opened yesterday night, and again humakot na naman ng mga parokyano ang decorations ng harbour city at isa na ako ron. Yup, kailangang i-grab na ang photo op kasi pauwi na ako.


It'll be gone when I'm back this January after vacation.


Click!

15.11.06

T'was a long break




BASKETBALL ALA BADING

Ala lang, tinamad lang talaga ako last week to open my blog...tsaka andaming trabaho. For the first time, naghost ang lola nyo ng basketball game e malay ko ba naman sa travelling chocho at sa foul ekek na mga yan.

Well wala naman talaga silang choice that day. We went there to support the SPC Team at para awaying ang team ng kabilang barko. Feeling magagandan ang mga hitad. Josco ang iitim naman. Hayun, nakita ng kagandahan ko ng organizer abay pati ba naman basketball e ikacareer ko na.

E ang plano ko magtitili sa mga hombre lalo na nandon ang mahal ko (ako lang ang me alam na mahal ko sya). Ang nangyari me microphone ako at tumitili.

Pero di naman sa buong laro ako ang nagannounce, pinalitan ako kasi me chuba tienes akong sinasabi, as in literally, chuba foul, chuba travelling, chuba out whatever. Naloka ang referee. Tinigbak ako.

Back to cheerleading ang ninang nyo. Namaos po ako at God on the evening of that day, naghost pa ako ng Bingo. Hindi na ako paos, ala na me boses. Ang hirap super hirap.

At hanggang ngayong sugatan pa rin ang aking mala mariah careying lalamunan. Kaya sulat na lang ng sulat.

Sya..usap usap na lang. I'll be in Marbel on the 12th and I'll see those I'd like to see.

Rain

28.10.06

Spiderman 3 - 2007


Having settled into his relationship with M.J. (Kirsten Dunst) and come to terms with bein' Spider-Man, Peter Parker (Tobey Maguire) is one happy fella. But not for long. Soon, his love life is complicated by an old flame, Gwen Stacy (Bryce Dallas Howard); two new baddies (Thomas Haden Church, Topher Grace) are on his tail; and Harry Osborn (James Franco) suffers some seriously conflicted feelings about his old pal and a potential secret identity.

Watch Out for DREAMGIRLS!


Based on the Tony-winning Broadway musical, this '60s-era story follows three young singers — Effie (Jennifer Hudson), Deena (BeyoncĂ© Knowles) and Lorrell (Anika Noni Rose) — as they try to cross over to the pop charts. They're discovered at a talent competition by an ambitious manager (Jamie Foxx), who offers them the opportunity to become the back-up singers for headliner James "Thunder" Early (Eddie Murphy).

Got it while in the train


View of the sleeping beauty castle (sides only)


Fantasy Land - feeling model


This is where the train stops to pick people up for the fantasy land tour.

With Mickey


I still think Mickey is a Filipino.


I finally met Mickey, Pluto, Buzz and a lotta more!


I still have a child in me and I needed release (of some) and that included Mickey Mouse and Disneyland. A dream became a reality.


19.10.06

The Comeback


THE COMEBACK KID

Whitney Houston gets back in the center of the music universe Tuesday between cousin Dionne Warwick and J Records honcho Clive Davis at the 15th annual Ella Awards in Beverly Hills. The diva is reportedly working on a new album with her mentor Davis, and will head into the studio in a few weeks, reports MTV.com.

STOP AIDS

Support World AIDS Day
Click here to visit guys4men.com Add to My Yahoo!