18.11.06

Issues that made way to my radar this week.







Ang nagbulaga sa akin ng nakaraang linggo.






1. Si Britney nagpapayat at hiniwalayan ang asawa. She should have done that a long time ago, she married a bastard, a user, and a talentless ass#$%*.






2. Reese and Ryan, naghiwalay. I followed their married life kaya nga nang nabasa ko sa Us Weekly na they separated parang nagulantang ako. After 7 years ng pagsasama...siguro me isa sa kanila at natutong magparaya ngunit hindi nakaya. Hindi si Reese yun sigurado ako. Someone must have cruel intentions.






3. Janet's 20 y.o. album, hindi nabenta. Ito ang dahilang ko bakit nagresign ako nobyo nya sa music label ang menamanage nito dahil nga hindi kumita ang album ni babaeng Michael. Kasi naman 40 ka na, tapos ang packaging mo parang pang 18 kaya natsugi.






4. Filipinang kumakain ng tao. Hindi ako nakakain ng lunch ng nabasa ko sa email ang issueng ito. Mga walanghiyang kaibigan ko nagpadala ba naman ng email before 12 noon. Im not sure kong this is true, puwedeng hoax na naman ala-CSI. Kadiri super grabe. Aba, La Salle na ako.

G4M andami na namin


I joined G4M a year ago at nakailan na rin akong palit ng profile kaya parang kakasali ko pa rin. Andami ko na ring nakilala, naging kaibigan at naging kaaway. Nagkita, me nangyari at wala. Dito ko rin napagalaman na talagang iba-iba ang trip na tao sa buhay.


Nong una akala ko alang magkakagusto sa akin kasi chubby nga ako although talagang conceited ako na sabihing cute ako. Asus, me magrereact na naman nito. Pero daan na yata ang nakachat ko.


Nakakatuwa at nakakaexcite magcheck ng mails pag halos araw araw may bumabati sa yo nangungumusta, nagaapreciate, at nangungutang. Yes, some do ask if they could borrow money.


Pauwi na naman ako so inexpect ko na naman na mapapagod ako sa kakameet sa mga naging kaibigan ko kasi kahit na sa web lang kami naging magkaibigan parang I obliged myself to see them para at least magkaron ng totong structure at depth yong pagkakaibigan namin, not to mention the deeper side of it, hahahaha.


Sasabihin ng iba, G4M - sa mga mahihilig lang yan, maaaring totoo pero meron din naman ang mga seryoso sa pakikipagkaibigan, kung sa ibang usapan naman e di ok lang basta trip nyo ang isat isa wala lang bastusan.


Ala na lang pakialaman para lahat masaya. We just have to respect our differences and honor our similarities.


Rain

Squiz zo tight!


With Mr. G and Jenny Silver. Mr. G is the Security Manager and Jenny is my twin sister...wicked twin sister.


Hotman Thess FC Jenny Sir Doods Ivy and Muah


This pic was taken during the celebration of Star Cruises' 13th Anniversary in the Galaxy of the Stars.

Another, Another, Another


Isa pa 'to...siguro naiinis na kayo kasi sunod sunod ang pics na pareho ang motiff. Wala akong magawa kasi ito lang ang latest. I'll have new ones tomorrow after the mass. Yes, nagsisimba ako.

We can never make it to Project Catwalk Liz Hurley.


With me is Jenny Silver...Silvederio. If her dreams of establishing a fashion empire will come true, she's going to name it JENNY SILVER. Aba, at pinagpraktisan ako ng italianang ito...ITA.


Harbour City Did It Again!


It opened yesterday night, and again humakot na naman ng mga parokyano ang decorations ng harbour city at isa na ako ron. Yup, kailangang i-grab na ang photo op kasi pauwi na ako.


It'll be gone when I'm back this January after vacation.


Click!

15.11.06

T'was a long break




BASKETBALL ALA BADING

Ala lang, tinamad lang talaga ako last week to open my blog...tsaka andaming trabaho. For the first time, naghost ang lola nyo ng basketball game e malay ko ba naman sa travelling chocho at sa foul ekek na mga yan.

Well wala naman talaga silang choice that day. We went there to support the SPC Team at para awaying ang team ng kabilang barko. Feeling magagandan ang mga hitad. Josco ang iitim naman. Hayun, nakita ng kagandahan ko ng organizer abay pati ba naman basketball e ikacareer ko na.

E ang plano ko magtitili sa mga hombre lalo na nandon ang mahal ko (ako lang ang me alam na mahal ko sya). Ang nangyari me microphone ako at tumitili.

Pero di naman sa buong laro ako ang nagannounce, pinalitan ako kasi me chuba tienes akong sinasabi, as in literally, chuba foul, chuba travelling, chuba out whatever. Naloka ang referee. Tinigbak ako.

Back to cheerleading ang ninang nyo. Namaos po ako at God on the evening of that day, naghost pa ako ng Bingo. Hindi na ako paos, ala na me boses. Ang hirap super hirap.

At hanggang ngayong sugatan pa rin ang aking mala mariah careying lalamunan. Kaya sulat na lang ng sulat.

Sya..usap usap na lang. I'll be in Marbel on the 12th and I'll see those I'd like to see.

Rain

STOP AIDS

Support World AIDS Day
Click here to visit guys4men.com Add to My Yahoo!