5.5.09

Pag umattend ka ng birthday!




Hindi ko pa rin mapaniwalaan na marami palang pwedeng mangyari pag umattend ka ng isang simpleng birthday. Yup, alam ko naman kung anong klase ng crowd ang aabutan ko sa party and of course alam ko rin na magugustuhan ko. But my expectations were exceeded by the visitors themselves.

Okay, pag party ng mga bading syempre meron talagang competition kung sino ang may pinakamataas na tili o tilaok sa pagkanta. Walang nagpatalo as usual...at meron ng tension sa part na to. At ang hindi ko rin alam...ang mga bading na nandon e magjojowa na rin pala.

The crowd was divided into three groups...the girls, the gay gays and the "mayettes" - mga mayang bading na ayaw talagang magladlad ngunit ang mga kamay ay gumagapang na ala sawa sa kung saan-saan (yun na!)

At syempre ang dahilan kung bakit ako nanghambalos ng silya ay ang mga mayette. Kung bakit...sa inggit..dahil wala naman akong balak magpaligaw ng gabing yun e walang ginawa ang iba kundi magpacute...asus parang magkakaedad lang kami e halos isang dekada ang tanda ko sa mga closeta!

Well, hindi ko sila masisisi..me powers tayo over this matter. Alam ko mahirap intindihin (bakit ako ba naiintindihan ko?) Basta...kayo na ang bahala.

Malapit ko na rin palang iiwan naman ang Pinas after three months of rehabilitation sa shoe at perfume addiction ko...start na naman uli but I promised myself na my blog will be always fresh and that I won't forget na me blog pala ako!

Z Ya

4.5.09

Taon akong di nakabalik!


Ewan ko ba kung bakit inabot yata ng kung ilang taon bago ako nakapagsulat sa blog ko. Marami nang nangyari...me dumating,...me nawala. Pero heto pa rin ako..I still keep on dreaming. Me napanood nga ako na movie...ang tanong ng bata, "What if your dream is bad?" Ang sagot ng matanda.."Dream again!"


Kung usapang puso..ay wala tayong paguusapan kasi medyo kritikal ang kondisyon ko. Me nawala nga di ba? Pero me gustong pumasok ngunit parang unfair naman yatang magpapasok e meron pang laman...dumi siguro..lilinisin ko muna.


I am not really feeling well kaya heto muna...para lang may maisulat ako...naalala ko kasi na meron pala akong blog! Hahaha..nakakatawa noh para akong tanga!


Heto na naman ako...dreaming!


Rain

STOP AIDS

Support World AIDS Day
Click here to visit guys4men.com Add to My Yahoo!