
I had time to watch the two channels this vacation and I can see the differences in their shows lalo na sa primetime. I like Lobo, with Piolo and Angel pero mas gusto ko ang storyline ng Babangon Ako't Dudurugin Kita ng GMA. Ang effects ng Joaquin Bordado at Kamadag mas maganda kesa Kung Fu Kids at Lobo.
Now enter Dyesebel, doon na ako nakaramdam na parang I like GMA na compared sa ABS. Dati ang tingin ko sa GMA e bakya but actually they are producing very good shows. Di lang primetime pero pati na rin sa umaga at tanghali. Of course I still like Boy and Kris kesa SIS. Ang sis pangit na kasi e di tulad ng dati. At sa Wowowee yong portion lang na me iyakan pero masaya pa rin ang EB.
Pero ang hindi ko talaga patatawarin ay ang Dyesebel. Josco bata pa lang ako sinubaybayan ko na ang story ng buhay ng sirenang to sa komiks. Di ko palalampasin hanggang sa huli.
Mga Kapamilya, Kapuso na ata ako!






