25.11.06

Mga sari-saring mukha sa iisang linggo!











Andaming nangyari sa loob ng isang linggo...and only this time I realized that faces could actually change in a matter of days.

Who said they're off...this was last 23rd ok!

Vietnam, the capital of bikes and Jolie-Pitt were there. Why can't I be in the same place.

It's Official!







Tom and Katie Wed and I finally saw Suri.






18.11.06

Issues that made way to my radar this week.







Ang nagbulaga sa akin ng nakaraang linggo.






1. Si Britney nagpapayat at hiniwalayan ang asawa. She should have done that a long time ago, she married a bastard, a user, and a talentless ass#$%*.






2. Reese and Ryan, naghiwalay. I followed their married life kaya nga nang nabasa ko sa Us Weekly na they separated parang nagulantang ako. After 7 years ng pagsasama...siguro me isa sa kanila at natutong magparaya ngunit hindi nakaya. Hindi si Reese yun sigurado ako. Someone must have cruel intentions.






3. Janet's 20 y.o. album, hindi nabenta. Ito ang dahilang ko bakit nagresign ako nobyo nya sa music label ang menamanage nito dahil nga hindi kumita ang album ni babaeng Michael. Kasi naman 40 ka na, tapos ang packaging mo parang pang 18 kaya natsugi.






4. Filipinang kumakain ng tao. Hindi ako nakakain ng lunch ng nabasa ko sa email ang issueng ito. Mga walanghiyang kaibigan ko nagpadala ba naman ng email before 12 noon. Im not sure kong this is true, puwedeng hoax na naman ala-CSI. Kadiri super grabe. Aba, La Salle na ako.

G4M andami na namin


I joined G4M a year ago at nakailan na rin akong palit ng profile kaya parang kakasali ko pa rin. Andami ko na ring nakilala, naging kaibigan at naging kaaway. Nagkita, me nangyari at wala. Dito ko rin napagalaman na talagang iba-iba ang trip na tao sa buhay.


Nong una akala ko alang magkakagusto sa akin kasi chubby nga ako although talagang conceited ako na sabihing cute ako. Asus, me magrereact na naman nito. Pero daan na yata ang nakachat ko.


Nakakatuwa at nakakaexcite magcheck ng mails pag halos araw araw may bumabati sa yo nangungumusta, nagaapreciate, at nangungutang. Yes, some do ask if they could borrow money.


Pauwi na naman ako so inexpect ko na naman na mapapagod ako sa kakameet sa mga naging kaibigan ko kasi kahit na sa web lang kami naging magkaibigan parang I obliged myself to see them para at least magkaron ng totong structure at depth yong pagkakaibigan namin, not to mention the deeper side of it, hahahaha.


Sasabihin ng iba, G4M - sa mga mahihilig lang yan, maaaring totoo pero meron din naman ang mga seryoso sa pakikipagkaibigan, kung sa ibang usapan naman e di ok lang basta trip nyo ang isat isa wala lang bastusan.


Ala na lang pakialaman para lahat masaya. We just have to respect our differences and honor our similarities.


Rain

Squiz zo tight!


With Mr. G and Jenny Silver. Mr. G is the Security Manager and Jenny is my twin sister...wicked twin sister.


Hotman Thess FC Jenny Sir Doods Ivy and Muah


This pic was taken during the celebration of Star Cruises' 13th Anniversary in the Galaxy of the Stars.

Another, Another, Another


Isa pa 'to...siguro naiinis na kayo kasi sunod sunod ang pics na pareho ang motiff. Wala akong magawa kasi ito lang ang latest. I'll have new ones tomorrow after the mass. Yes, nagsisimba ako.

We can never make it to Project Catwalk Liz Hurley.


With me is Jenny Silver...Silvederio. If her dreams of establishing a fashion empire will come true, she's going to name it JENNY SILVER. Aba, at pinagpraktisan ako ng italianang ito...ITA.


Harbour City Did It Again!


It opened yesterday night, and again humakot na naman ng mga parokyano ang decorations ng harbour city at isa na ako ron. Yup, kailangang i-grab na ang photo op kasi pauwi na ako.


It'll be gone when I'm back this January after vacation.


Click!

15.11.06

T'was a long break




BASKETBALL ALA BADING

Ala lang, tinamad lang talaga ako last week to open my blog...tsaka andaming trabaho. For the first time, naghost ang lola nyo ng basketball game e malay ko ba naman sa travelling chocho at sa foul ekek na mga yan.

Well wala naman talaga silang choice that day. We went there to support the SPC Team at para awaying ang team ng kabilang barko. Feeling magagandan ang mga hitad. Josco ang iitim naman. Hayun, nakita ng kagandahan ko ng organizer abay pati ba naman basketball e ikacareer ko na.

E ang plano ko magtitili sa mga hombre lalo na nandon ang mahal ko (ako lang ang me alam na mahal ko sya). Ang nangyari me microphone ako at tumitili.

Pero di naman sa buong laro ako ang nagannounce, pinalitan ako kasi me chuba tienes akong sinasabi, as in literally, chuba foul, chuba travelling, chuba out whatever. Naloka ang referee. Tinigbak ako.

Back to cheerleading ang ninang nyo. Namaos po ako at God on the evening of that day, naghost pa ako ng Bingo. Hindi na ako paos, ala na me boses. Ang hirap super hirap.

At hanggang ngayong sugatan pa rin ang aking mala mariah careying lalamunan. Kaya sulat na lang ng sulat.

Sya..usap usap na lang. I'll be in Marbel on the 12th and I'll see those I'd like to see.

Rain

28.10.06

Spiderman 3 - 2007


Having settled into his relationship with M.J. (Kirsten Dunst) and come to terms with bein' Spider-Man, Peter Parker (Tobey Maguire) is one happy fella. But not for long. Soon, his love life is complicated by an old flame, Gwen Stacy (Bryce Dallas Howard); two new baddies (Thomas Haden Church, Topher Grace) are on his tail; and Harry Osborn (James Franco) suffers some seriously conflicted feelings about his old pal and a potential secret identity.

Watch Out for DREAMGIRLS!


Based on the Tony-winning Broadway musical, this '60s-era story follows three young singers — Effie (Jennifer Hudson), Deena (BeyoncĂ© Knowles) and Lorrell (Anika Noni Rose) — as they try to cross over to the pop charts. They're discovered at a talent competition by an ambitious manager (Jamie Foxx), who offers them the opportunity to become the back-up singers for headliner James "Thunder" Early (Eddie Murphy).

Got it while in the train


View of the sleeping beauty castle (sides only)


Fantasy Land - feeling model


This is where the train stops to pick people up for the fantasy land tour.

With Mickey


I still think Mickey is a Filipino.


I finally met Mickey, Pluto, Buzz and a lotta more!


I still have a child in me and I needed release (of some) and that included Mickey Mouse and Disneyland. A dream became a reality.


19.10.06

The Comeback


THE COMEBACK KID

Whitney Houston gets back in the center of the music universe Tuesday between cousin Dionne Warwick and J Records honcho Clive Davis at the 15th annual Ella Awards in Beverly Hills. The diva is reportedly working on a new album with her mentor Davis, and will head into the studio in a few weeks, reports MTV.com.

5.10.06

Lafhang ala Korean















Ang jobajoba, ang jobajoba ko na, ampangit.

I tried to learn photo editing but...


This is Michael Christian, one my colleagues onboard...the sacrificial lamb neh.

4.10.06

...and the fire worked!


Thank God...the buildings were saved...not the IFC...world's 3rd tallest.

Before the fire

Harbour City Ito!











Before this, I had a big lunch in a Korean Restaurant where I gotta cook before I could eat...and I paid a freaking 60 dollars for that.

Buhay Ko, Baka Buhay Mo Rin


Katha ni Reinhurt
Sa pagnanais kung simulan ang aking salaysay sa isang masaya at makabuluhang pangyayari, ang mga paunang salita ay maaaring may bahid na kathang-isip at walang katotohanan. Ngunit napagisip isip ko, kahit yata sa panaginip, di man lang ako makakain ng tatlong beses. E di sisimulan ko na lang to kung paano talagang nagsimula ang lahat. Hindi nga ba’t may iba sa ‘tin na natutong managinip ng gising upang makaalpas sa sigalot at lupit na bigay ng tadhana, ng buhay. Upang sa isang saglit ay mabuhay ka sa isang masayang mundo – bigla ka na lang mapapabalikwas dahil sa sakit ng sipa ng mamang pulis. Layas, lumayas kayo rito, mga peste! Mga katagang maririnig mo halos araw araw na noong una, napatingin ka pa sa likuran mo at baka tinubuan ka na ng pakpak. Tinawag ka ba namang peste.


Kahit papano e nakakaraos rin naman ang mga pesteng tulad ko, sabi mo sa sarili mo. Di nga ba’t ang lapad lapad ng higaaan ko, libre pa ilaw, mahangin, me musika pa. Ang pagkain ko drum drum. Haha bahaw mong tawa, meron ba kayo non. Sanay ka na. Sanay ka nang maging higaan ang silong ng overpass sa harap ng UST, maging ilaw ang mangilan ngilang bituin sa mapolusyong langit ng maynila, masinghot ang usok sa mga lumang jeep at humukay ng tirang manok sa likuran ng Jollibee sa me crossing. Sanay ka na di ba? Nakakasanay ba ang hirap, ang gutom, ang pesteng buhay?

Minsan napatingin ka sa karatula ni Sharon sa me EDSA. ‘Tangina, ang yaman talaga ni Sharon. Hindi na nakuntento sa maliit na Kodak, e nagpagawa pa ng napakalaki e. Tarantado ka pala e. Di naman picture ‘yan, poster, poster ang tawag dyan tanga! Pasensya na tol, di ko alam na ala ka palang pinag aralan. Di mo naman kasalanang maging mangmang. Pero alam ko marunong kang magbilang. Isa, dalawa, tatlong araw na akong di nakakain ah. ‘Yan ang tangi mong nalalaman.


Putsa naman kasi! Mura mo, hinagpis mo. Matagal tagal na ring di nasasayaran ng masaganang luha ang humpak mong pisngi. Me luha ka pa nga ba? Ah, alam ko na. Ang huli kong iyak ay noong araw nasama si Soledad sa rambol ng mga basurero laban sa mga mapang-abusong tauhan ng gobyerno, sa Payatas. Sa pagnanais na maabutan ako’t maakay, nahagip ng rumaragasang sasakyan si Soledad. Patay, di na ako nakuhang kausapin. Di na ako nayakap ng inay ko bago sya nalugatan ng hininga. Limang taon ako non, limang taon na ang nakakaraan.

Ano ba ang alam ng sampung taong gulang na palaboy sa kalye. Mandukot sabay karipas ng takbo at susuot sa mga makitid na iskita upang di mahabol ng mga isa’t kalahati ring mga buayang parak. Takbo, hingal, takbo – minsan pag minalas lispistik lang ang laman ng bag, jackpot na kung merong Hansel na biskwit kang madudukot. Mangilan ngilang beses na ring nahuli at akala mo kamatayan ang naghinhintay sa ‘yo sa mga oras na yun. Ano nga ba ang laban ng isang buto’t balat na bata sa magagaspang at matitigas na kamao ng mga tulisang lungsod. Mas malinis pa ang nilabhang basahan ni Aling Salud don sa karinderya nya sa Hidalgo sa me Qiapo kesa sa basag basag na ginulping mukha.

Ang bawat tilamsik ng ulan nagmula sa nagagalit na kalangitan ay nagbabadya ng samut saring damdamin sa isang ulilang paslit na katulad ko. Kasabay na inanod ng tubig baha ang burak at ang masaganang dugo mula sa mga sugat ko. Hindi kayang isilong ng karton ng Camel ang nananakit kung katawan, walang me kayang pawiin ang sakit ng dulot ng bawat dagok ng buhay sa aking pagkatao.

Minsan, sasabayan ko ang bawat kulog at kidlat ng isang malakas na palahaw. Inay, kunin nya nyo ako, hindi ko na kaya. Hindi ba kayo naaawa sa kin. Wala na akong makitang sirang tsinelas sa imbakan e. Masakit na ang mga yapak ko. Ipinagbawal na rin ang paghuhukay sa likod ng me restoran sa me Ongpin dahil nga raw sa lingguhang inspeksyon. Nay, wala na akong espasyo matutulugan don sa dati nating lugar sa me underpass. Marami na ring tulad ko, ang iba nga lang me mga nanay na kasama. Nay, kunin nyo na ako.

Titigil ang ulan at titigil din ang munti kung palahaw. Nakakapagod kausap si Inay, hindi naman sumasagot. Magkikita pa kaya kaming muli? Hoy bata! Me tumatawag sa kin. Ang askad naman ng mukha ng mamang ito, parang pulis. Bakit po? Tanong ko. Gusto mo bang kumita ng pera, madali lang ‘to. Hwag kang mag-alala tuturuan kita. Ano po ba yun? Ganito yun, may ibibigay akong kahon sa ‘yo at dadalhin mo sa address na to. Malapit lang yun, sa pangalawang kalye lang.

Ayoko po. Baka kung ano yan e may pulis sa bandang kanto. Wala ‘to, pagkain lang ‘to. O hetong bente pesos. Natigilan ka. Nagisip-isip ka. Dalawang piso nga lang e hirap ka pang kitain sa isang araw. Grasya na ‘to naibulong mo. Sige po, akin na po ‘yang kahon. Bitbit mo ang kahon tungo sa lugar na di mo alam kung anong panganib ang naghihintay. Hindi pala, hindi sakop ng mura mong isip ang panganib na iyong sinusuong. Ang sa isip mo’y ang maibibili mo sa perang natanggap mo.

Tao po, tao po—sigaw mo, tao po – alang tao. Aalis ka na sana, hoy bata anu na? tanong ng bisayang nagbukas ng pintong bakal. E, ano po, pinabibigay po ni Mang ano, ni Mang – namputsa nakalimutan mo ang pangalan ng taong me maaskad na mukha. Ma, di ko po nakuha ang pangalan e. Hindi bali, akin na na at tsaka alis na ka na at ayaw na pagbalik dinhi! Klaru!

Paalis ka na ng biglang --------- screeeeeech……scrreeeeeech.screeeeech….Men position. Lopez magdala ka nang lima. D’on kayo sa likuran. Buenavista, doon kayo sa bandang kanan, isama mo si Arnaldo para may matutunan ‘yang tatanga tangang ‘yan. O kayong lahat back me up, dito tayo sa main entrance. Takbuhan, parang kulog ang tunog ng mga yumayagabag na sapatos ng mga militar.

Aray ko pooooo. Nagulat ka nang may sumaklot sa damit mo. Anong ginagawa mo rito, siguro tagarito ka ano. Mga kasamahan mo ‘yang nasa pagawaan ng shabu ano. Hindi po, napadaan lang po ako rito. Anong napadaan e kitang kita kitang kalalabas lang sa pintuan. Hala pasok sa sasakyan, hintayin mong mga kasamahan mo para madala kayo sa prisinto.

Ma, wala po akong kasalanan. Hikbi mo, ma, maawa na po kayo sa akin. Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo. Maaaaaaaaaaaaaaa, hawak mo ang barandilyang bakal na nakatakip sa bintana ng sasakyan. Nanghina ka na sa kaiiyak. Maaaa. Inay, tulungan nyo po ako. Naaaaaay, hikbi, singhot, hikbi…nay. Sa gitna ng impit mong pag-iyak, nadukot mo ang bente pesos --- puede ko kaya ‘tong pambayad sa mga pulis para palayain nila ako?

Gusto nyo pa bang marinig ang mga susunod na pangyayari, ang mga eksenang sa pelikula lang nakikita ng marami sa inyo. Kailangan pa ninyong mabasa ang aking salaysay kung gaano kasakit, kahirap ang maipit sa barandilyang bakal. Nanaisin ninyo pa bang malaman kung paano unti-unti akong pinapatay ng mga taong ni minsan di ko nagawan ng kasalanan.

Isa ako sa mga batang pinagkaitan ng isang normal na buhay…bubong na masisilungan pag mainit, umuulan. Kumot na babalot pag giniginaw sa gabi. Mainit na tinapay at kape sa umaga. Librong babasahin para may matutunan. Higit sa lahat…pinagkaitan ako ng mga magulang na magmamahal…isang itay at inay na matatakbuhan ko pag ako’y natatakot, mayayakap ko pag ako’y nalulungkot at magtatangol sa akin pag ako’y sinasaktan.

Ayoko ng tanungin kung bakit nangyari sa akin ang ganito…sino ang sasagot. Kayo, me kasagutan ba? Alam kong wala, dahil sa bawat sugat sa aking mga yapak, sa bawat gasgas sa aking mga kamay, katanungan lang ang inyong makikita…walang sagot, wala.

Hindi ninanais na magdulot ng sakit sa inyong mga puso o di kaya’y para ako’y inyong kaawaan. Huli na para sa akin, sana minsan pag napadaan kayo sa mga kalye sa bawat magandang araw na binigay sa inyo ng maykapal, bigyan ninyo ang mga katulad ko ng maski isang sulyap…pansinin ninyo sila kahit isang saglit. Doon nyo lamang mahihiwata ang katotohanan sa bawat salitang aking nasambit, sa aking buhay, na baka buhay mo rin.

Segundo na lang ang aking hinihintay at ako’y magiging maligaya na. Makikita ko na si Inay, mayayakap ko na syang muli. Sana sa langit me kama na si Inay…sana di sya sa ilalim ng overpass natutulog. Sana…doc doooooooc doc, si Emong doc di na humihinga…doc! dit dit dit dit.

Calling the attention of Doctor Burgos, please proceed to ward A8.

Gown Part I

Katha ni Reinhurt
Nakagawian ko na sa pagpasok ko ng kuwarto e deretso na ako sa kubeta. Hindi para umebs kundi umihi at magyosi. Ewan ko ba at gusto ko talagang nakaupo kesa nakatayo – lalaki po ako. Pero hindi ito ang paksa na dapat nating talakayin dahil hindi ko mahanapan ng kahit na anong kabuluhan o kahalagahan ang pagihing nakaupo.


Kung hihimaymayin natin ang buhay ko simula sa pagkabata, lahat ng makakabasa ay mauuwi sa Mandaluyong—Maximum Security Pavilion. Dahil hindi kakayanin ng utak at puso nila ang napakakumplikadong karanasan ko sa buhay. For the sake of literature naman siguro, try kong maikuwento para naman magdulot ng isang libo’t isang tuwa, buong bansa Eat Bulaga!

Hanggang ngayon di ko matantiya kung paano nagsimula ang lahat. Ang tanong, bakla na ba ako ng ipinagbubuntis pa lang ng aking butihing ina? Nakataas na ba ang kaliwa kong kilay habang nasa sinapupunan pa lang ako? Idol ko na ba si Wonder Woman sa panahong yon? Shet naman kasi, bakit hindi pa naiinvent ang technology na magsasabi kung ano ba talaga ang real gender ng tao habang fetus pa lang. At least my mother can attest na talagang bading ako, I was born a gay. It is a great realization on my part knowing that I was not influenced by social factors, by nature, by orientation or by anything else. That I was conceived after all, conceived a homosexual.

I lived a pretty good life or should I say I have a good family. My parents got no hang-ups and qualms about our choices and decisions or what do we want to be or what has we become. But not the fact that I am a man who exchanged boxing gloves for pompoms.

Karamihan sa kuwento ng mga bakla ay pareho pareho. Sasabihin ng isa --- hindi ako matanggap ng tatay ko noon. Ang isa naman, binubugbog ako ng itay ko noon. At ang isa pa—binitin pa nga ako sa puno eh. There were no exception of a story, lahat dramatic, lahat pang-teatro, pampelikula.

And mine was not different, I experienced the same pain and hostility sa aking ama, nagsimula sa araw na nahuli nya akong hawak hawak ang kulay berdeng kurtina ng aking ina na nakapulupot sa akin—“And the Best in Gown goes to Miss Columbia!” hiyaw ng bakla. Pa, Pa O, si kuya o nag mi-miss Columbia na naman –ang sabi ba naman ng isa’t kalahati ring tungak na kapatid ko. Bago ko pa natanggal ang manipis na tela sa aking katawan nadatnan na ako ng tatay ko sa ganoong ayos sabay pingot. Ano ba yang ginaagawaaa mooooong tarantado ka ha…pati kapatid mo isinasama mo pa sa katarantaduhan mo.

Pa wala naman eh…maniwala ka dyan sa tungak na yan. Anong wala e kitang kita kita. Magayos ayos kang lalaki ka at hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Opo, sagot ko. Hindi naman ako naiyak kasi pingot lang pero alam ko nang sa maliit na bagay na yun ay hindi na matanggap ng tatay ko, ano pa kaya kung makita nya akong naka make-up…bwahahahaha. Shet, shet ang hirap nito ate…sabi ko sa sarili ko, mahirap ito – at grade 5 pa lang ako non.

Marami pang sumunod na pangyayari at sitwasyon na kahit sino pag nalaman o narinig ay magsasabing galit ang tatay ko sa mga bakla. I tried to be objective about it pero how I could find fairness in that e ang pagiging bakla ay pagkatao. If he is not angry with me as his son, he should be not that hostile to me as a homosexual.

Nyeta naman kasi eh. Bakit pa kasi di ako naging babae o tunay na lalaki para wala akong problema. Yes, I treated being gay as a problem then, not that I hated to be gay. No, I love my skin, I love the sense of freedom homosexuality has given me. Ang problema ay kung paano mo macontain ang emotions pag ikaw ay nilalait.

Naaalala ko pa na everytime uutusan ako ng tatay ko na bumili sa tindahan ni Manang Belen which is most of the time yosi ng chain smoker kung ama…lagi na lang ako nag-iisip kung saan ako dadaan para maiwasan ang mga tambay sa kalye. E mga hunghang ang mga nakaabang don, most of the time inaabangan nila ang mga nagdadaang kababaihan at mambabastos. Tapos biglang eentra ang bading. Diyos ko isang napakagandang tanawin para sa lahat—parang nakakita ang mga hinayupak ng isang kaakit-akit na dalaga. Bigla ka na lang may maririnig na—baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa—nakakatulig at nakakatanggal tutule. Parang gusto kung mambato at manabunot. Kung isa nga lang akong diwata, gagawin ko talagang mga daga ang mga gagong yon. Haay, ang siste nga lang e isa akong sirena at hindi diwata! Punyeta! Ito ang laging eksena sa tuwing bibili sa tindahan ni Manang Belen. Eksenang iniiyakan ko na lang. Bata pa lang ako, sumusunod na ako sa mga yapak ni Nora.

Walang makakahadlang sa paglapad ng aking mga pakpak at natuto akong lumipad—sinimulan ko sa mababa at ako’y natakot bumagsak. Sabi ko sa sarili—hinay hinay lang ineng at baka mabigla ang ama mong me sa militar. Baka isang araw magulantang ka na lang na binaril ka na.

Tuloy ang masaya at malungkot kong buhay bilang isang dalaginding. Natuto akong magmahal, shet magmahal—tawag ng laman, pagmamahal? Ayoko nang dumaan ang kuwento kong into sa censor at magunting kaya I’ll stop this part of my life here.

I made sure na pupunuan ko ang pagkukulang ko sa mga magulang ko bilang anak na lalaki sa pagbibigay ng aking oras sa pag-aaral –which was the aspect of my life that I am very proud of. I did pretty well in school that was enough reason for my father to be proud of his mutant son. Alam ko, I can feel that he was proud of me every time he would pin my ribbons and gave me my much deserved medals. Ito yong mga araw na pinapanalangin ko na sana di na matapos, hindi kasi umeeksena ang pagiging shoke ko at walang pumapansin.

Dumating ang araw na kinakatakutan kung mangyari na ni minsan di ko pinangarap. Na harap harapang ipamukha ko sa aking ama kung ano talaga ako. Although my father is not an idiot not to know that his son is a ballerina. Kung bakit ako nabugbog ng dalawang beses e mga bakla rin ang kadahilanan. Alam naman na mga impakta na anti-bakla ang mga tao sa bahay, abay pinuntahan pa ako dahil lang sa mga sombrero kong hiniram. May padoor bell-door bell pa sabay, Good Eveniiiiiiing Pow! Si dondon nadyan. And that was in front of my dear father. Shet na malagkit, sabi ko habang nakasilip sa me bintana ng kuwarto ko. Kakatayin ako nito, tatalupan ako nito. May mamatay na namang sirena! Ezcabeche ito!

Nang nagsialisan na ang mga nasabong alagad ng ikatlong kasarian, narinig ko ang sigaw na mas malakas pa sa kabog ng aking dibdib sa kaba. Nasaan ang abnormal mong anak Teresita? Hoy, lumabas ka dyan hayop ka at malilintikan kang isa’t kalahating abnormal ka. Sa takot gusto ko yatang maihi pero napigilan ko pa kasi it’s so unbecoming sa isang beauty titlist na katulad ko to pee on my swimsuit di ba? Nakuha ko pa talagang magisip ng kung anu ano sa mga oras na yon.

Sabay saklot sa damit ko—Ano ka ba talaga ha? Sigaw ni papa. Sumagot ka, ano ka ba talaga? Mas lalong lumakas, kulog ito, isa itong napakalas na kulog na me kasamang kidlat. Baklaaaaaaa akoooooooooooo...itsura ni Darna sa sigaw ko wala pang bato yon. Bakla ako, bakla ako, bakla ako –tinatlo ko na baka kasi hindi marinig.

Blag! Sinuntok ako ng tatay ko. Hindi ko man lang namalayan dahil namanhid ang buo kong katawan. Naramdaman ko na lang na hindi ako nakatayo dahil ang mukha koy natapat sa malamig na sahig. Sa mga oras na yon parang walang sakit. There was no physical pain at all. The pain was so deep that I cannot fathom, I can’t feel.

Mageemote na sana ako e bigla na naman akong sinaklot—Sa pangalawang pagkakataon, Ano ka ba talaga? Bakla po ako, bakla, bakla di nyo naiintindihan yon. Bakla ako mula pa pagkabata. Yan ang gusto nyong marinig. Gusto nyo ulitin ko pa. Lalakasan ko pa, ipaparinig pa natin sa mga kapitbahay. Bakla ako, bakla ako at wala kayong magagawa don. Kung meron sana noon pa aaahhhhh…sinuntok na naman ako pero sa pagkakataong ito me umeksenang supporting actress—ang nanay ko sino pa na balak yatang agawan ng papel si Helen Gamboa sa mga limang daliri ng diyos. Yes, my mother looked exactly like the wife of Senator Tito Sotto.


Ernesto tama na—maawa ka naman sa anak natin. Anak mo to hwag mong papatayin. Nasabi na sa yo, alam mo na. Ano pang gusto mong marinig? Hayaan mo na. With matching tears talaga. I really love my mother, kung wala sya ezcabeche na talaga ang lola nyo. I found a way to get out of that miserable situation…karipas akong takbo sa silid ko, sabay dampot ng bag, kumuha ng damit na di ko na alam kung ano ano. I wanted to escape then, gusto kung lumayas, tumakas…ayoko na sa dito…he really cannot accept me… it’s a miracle if that will happen.

End of Part 1

Huwag Kang Iiyak!



SAMPAGUITA
Hango sa mga kuwento ng aking sariling ina noong kami ay mga bata pa.
ni Reinhurt Rentoza

Hindi pa rin ako nasasanay na sa tuwing me malakas na bagyo ay nakakadama ako ng takot. Ikinagugulat ko pa rin ang manaka nakang pag-angat ng bubungan naming tadtad ng kalawang sa tuwing madadaanan ang naglulubid na hangin. Hindi mo kasi matatantiya kung kailan babagsak o matutumba ang maliit naming barong-barong. Halos mawarak na ang dingding naming pawid at karton sa tindi ng hagupit ng panahon.

Dito na ako ipinanganak, namulat sa kahirapan at siguro dito na rin mamatay. Kung buhay lang sana si tatay. Ilang taon na ba ako, magsisiyam na pala. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagdiwang ng kaarawan – wala nga pala akong alaala na nagdiwang ako ng kaarawan.

Tuwang-tuwa akong pagmasdan ang mga batang naglalaro sa ulan. Hindi alintana ang putik at basura…hindi nila alintana ang bukas…sa kanila, ngayon ay ngayon…walang bukas. Napagdaop ko ang aking mga palad, ang kapal na pala ng mga kalyo ko sa kamay. Kawawa ka naman, pagod ka na ba? Napangiti ako sa aking naitanong. Wala akong karapatang mapagod. Sa isip-isip ko, ipahinga ko lang ang aking katawan, wala na to. E ano ba kung maraming kalyo, wala namang papansin nyan sa mahirap na katulad ko.

Nakalimutan ko na paano maging bata, hindi ko pinagdaanan yon. Oo, nakakadama ako ng inggit pag nakakakita ako ng mga batang ang gagara ng mga suot, me mga bitbit na laruan, malilinis. Ang saya saya nila, walang pagsidlan ng saya. Sabi ko nga, kung alam lang nila na sa edad kong to, nakabenta na ako ng daang kilo ng isda sa me talipapa sa tindahan ni Ka Lucing. Baka nga tong mga batang to hindi kumakain ng isda. Napangiti na lang ako sa aking naisip.

Ewan ko ba? Pag umuulan, hindi ko mapigilang mag-isip. Parang tumitigil ang pag-inog ng mundo sa akin at nangangarap akong gising. Sa tulad kong dukha, hanggang pangarap lang ang kaya kung gawin. Libre naman di ba? Tsaka, mas maige na yong mangarap kesa naman wala ka na ngang kinabukasan e pati pangangarap titipirin mo pa.

Uhu, uhu….natigil ako sa aking pagmumuni-muni. Gising na pala si nanay. Salamat naman at medyo matagal ang tulog nya ngayon. Ilang gabi na ring di siya magkatulog dahil sa kanyang ubo. Me sakit si nanay. Taon nya nang iniinda. Di ko alam kung anong sakit. Ang alam ko malubha, me dugo akong nakikita sa kanyang pinagduraan. Hindi na rin kinaya ng katawan ni nanay na magtrabaho sa pabrika ng tsinelas na pagmamay-ari ng mga mayayamang Lim. Matagal din si nanay don. Nang mamatay si itay, nakuryente don rin sa me pabrika, namasukan na rin si nanay. Wala kaming kakaining dalawa kung hindi nya ginawa.

Kumuha ako ng mangkok sa pingalan para paglalagyan ng lugaw at makakain na si nanay. Buti na lang at marami akong nabentang basahan sa highway kanina at nakabili ako ng tuyo. Maiba naman ang lugaw na kakainin niya.

Nay, kain na po kayo. Sandali po at iuupo ko kayo. Ang payat ni nanay. Lalo yata siyang pumapayat bawat araw at lalong nanghihina. Dati rati’y kaya nyang umupong mag-isa, ngayong halos ikabubuwal na nya. Anak, di ako gutom, pagak nyang bulong. Nay naman, wala ho kayong kinain ngayong araw. Lalo kayong manghihina nyan. Sige na po. Ganito palagi ang eksena naming mag-ina. Parang sumusuko na si nanay. Napapagod na siguro sya. Mabuti naman at nakalahati nya ang mangkok. Minsan, halos dalawang kutsara lang umaayaw na siya. Hiniga ko ulit si nanay, pinunasan ko ang pinagpawisan nyang noo. Habang nakapikit ang aking ina, pinagmasdan ko ang mukha nya. Mahihinuha mo sa mga gatla sa kanyang noo kung gaanong kalaking hirap ang dinanas nya. Ngunit hindi mo maikakaila ang kagandahang taglay ng aking ina.

Aakma na sana akong tatayo ay pinigilan ako ni Nanay. ‘Anak, halika lumapit ka sa akin.’ ‘Bakit po?’ ang tanong ko. ‘Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa ‘yo.’ Ako dapat ang gumagabay sa ‘yo at nagtratrabaho.’ ‘Hindi ka na nakapag-aral dahil sa sakit ko.’ ‘Uhu, uhu,uhu, kung buhay lang sana ang tatay mo, anak.’ ‘Patawarin mo ako.’ ‘Nay, huwag na kayong magsalita, ok lang po ako.’ ‘Kaya ko po tsaka masaya po ako sa ginagawa ko.’ ‘Hayaan nyo pag gumaling kayo e di don kayo bumawi, sa ngayon ako ang mag-aalaga sa inyo.’ ‘Salamat anak, maraming salamat.’ ‘Sige nay matulog na kayo at makakasama sa inyo ‘yang mga iniisip ninyo.’

Nakatulog na rin ako sa pag-iisip kong paano ko maipapagamot si inay. Kulang pa ang ibinibigay ng talipapa para sa pagkain at gamot ni nanay. Hindi ko napigilang maiyak. Kung bakit hindi na lang ako ang me sakit, bata pa naman ako at siguro mas madali akong gumaling. Sa bawat ubo ni Nanay, para isang hibla sa buhay nya ang nawawala. Hindi ko sinisisi ang diyos, wala akong sinisisi. Ang lahat ay nagkataon lang, sa amin, ke nanay, sa akin. Nagkataon lang na nasadlak kami sa kahirapan at di kailama’y mahahango pa, hindi na siguro.

Sa edad kong siyam, marami na akong alam na gawin kung ihahambing sa mga karaniwang bata sa edad ko. Napagisip-isip ko na di sapat ang kinikita ko sa palengke kaya’t nagsabi ako ke Mang Gener na kung pupuede e magbenta na rin ako ng sampaguita pagkatapos kong magtinda ng isda sa palengke. Si Mang Gener ang asawa ni Aling Barang na me hanguaan ng mga rosas at sampaguita dito sa amin.

Binabaybay ko ang kahabaan ng E. Rodriguez o di kaya’y kakanan at kakaliwa ako sa Araneta para magbenta ng sampaguita sa mga motorista. Lugmok ang buong katawan ko sa pawis, sa usok, sa alikabok ngunit di ko alintana dahil sa pagnanais kong makaipon para ipagamot si nanay. Di ko alam kung magkano basta pag me pera ako baka tatanggapin na rin ng doktor kahit magkano.

Napahangos ako ng madatnan ko si nanay nakaupo at halos hinahabol na ang hininga. Nay, nay, ano pong nangyayari sa inyo. Kumuha ako ng isang basong tubig at ipinainom ke nanay. Anak, hindi ko na yata kaya…nahihirapan na ako. Hiniga ko si nanay at kinumutan. Nay, hwag ho kayong magsalita ng ganyan…nagbebenta na rin po ako ng sampaguita nay, mabibili ko na po ang mga gamot na kailangan ninyo. Nay, huwag ninyo akong iiwan. Hindi ko po kayang mag-isa. Gagaling po kayo, gagawin ko po lahat.


Tinungo ko ang tokador para kumuha ng gamot ni Nanay…basyo na lang bote…wala na pala. Nay, sandali lang po ako ha. Bibili lang po ako ng gamot ninyo. Kulang pala ang pera ko, naibili ko na nang pagkain namin. Hindi nagpapautang si Mrs. Guevarra sa botika. Bahala na!

Misis, pagbilhan po ng gamot yong dati po. Ito po ang bayad. Aba’y Linette, kulang to ng singkwenta pesos. Misis, babayaran ko po kayo bukas, uutangin ko na lang po ang balanse. Hindi puede yan, malakas na sabi ni Mrs. Guevarra. Balikan mo na lang pag kumpleto yang pera mo. Hindi ako pilantropo Linette alam mo yan. Sige na po, kailangan lang ni Nanay ng gamot ngayon. Hindi ka ba nakakaintindi ha, putol sa akin ni Mrs. Guevarra.

Umalis akong luhaan ngunit di man lang naantig ang may-ari ng botika. Hangos ako kina Mang Gener. Nadatnan ko si Aling Barang. Napakiusapan ko na kung puede e magbenta pa akong muli ng sampaguita at ibibigay nya sa akin yong dami na pag naubos ko e kikita ako ng singkwenta.

Halos mabasag ko na ang mga bintana ng mga sasakyan, ilang beses na rin akong napagalitan at nasigawan. Sa bawat pagtigil ng mga ito’y hindi ko pinalalampas ang pagkakataon na mangatok. ‘Sampaguita, Sampaguita bumili kayo sa akin. Alang alang sa aking Nanay, sa aking mahal na nanay.’ ‘Sampaguita, Sampaguita bumili kayo sa akin. Alang alang sa aking Nanay, sa kanyang buhay.’ Kumakanta ako at umiiyak, naiisip ko si Nanay…nay sandali na lang po at mabibili ko na rin ang gamot ninyo. ‘Ineng, halika, bibilhin ko na lahat ‘yang Sampaguita mo at makauwi ka na.’ ‘Salamat po maam, salamat’. Binigyan ako ng butihing ginang ng dalawang daan.

Mabilis pa sa orasang tinakbo ko ang aming barong-barong ng mabili ko ang gamot ni nanay. Nay, nandito na po ako. Heto na po ang gamot ninyo. Nay, nay gising po muna kayo at makainom ng gamot ninyo. Nay, nanay, naaaaay….sabi ko naman po hintayin nyo ako nay. Madali lang naman po ako. Bakit di nyo po ako hinintay. Naay, paano na po ako ngayon. Ako na lang mag-isa nay. Bakit nyo ako iniwan…hindi na nagigising si nanay kahit gaano mang palahaw ang aking gawin. Wala na ang pinakamamahal kong ina, wala na si Nanay.

Sampaguita, sampaguita bumili kayo sa akin, alang alang sa aking nanay, sa nanay kong mahal.

Sampaguita…sa tuwing maamoy ko ang kanyang bango naaalala ko si Nanay…saan man sya naroroon ngayon alam ko masaya na siya…at ako…sa edad kung siyam, marami na akong alam na gawin.

Psst..bata magkano ‘yan? Sampu po!

Not for you GAYS!




For Bitches, For Witches!
Rein the Drag

Let me tell you about my idea on taking revenge and waging psychological war against people who are in denial and antagonistic of our existence as second class genders (not citizens) or in simple terms--the sub-generation of faggots, queers and sissies.

Come to think of it, we are getting more and more. The population is enormous that it is unfathomable. We aren't giving birth but seemed that we are too promiscuous having lots of 9 year old men shaking their bonbons in public wearing pink floral tops and sequined micro shorts.

It is better to lose control than to accept the fact knowing that you are being considered less human. If you are not to do something to retaliate then people will think that you are the most vulnerable asshole in the world. Whether or not, taking revenge is a devilish idea, I am in complete agreement on its purpose and that is to retrieve a stolen dignity.

Revenge is purely exaggerating your capabilities and abilities. It is just like coloring your hair and your lashes platinum. That’s what we call Fashion Revenge where we are good at. We can be outrageously different and who cares. Yeah sure, eyebrows will go on its highest but damn the hypocrites. They just can't do what we can. It's hard to be normal but being abnormally extraordinary is flattering, or should I say enthralling.

I for one am not in good terms with my physicality but I always do say that -- I may be physically horrible but I am mentally gorgeous and sexually fabulous.

Dare to contest that and I will surely shave your pimple stricken face -- dumb ass!

My All Time Fav Song - Dance With My Father

Dance with My Father
Luther Vandross

Back when I was a child
Before life remove all the innocence
My father would lift me high
And dance with my mother and me and then

Spin me around till I fall sleep
Up in the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved

If I could get another change
Another walk, another dance with him
I play for a song that will never ever end
Oh I love love love to dance with my father again.


When I and my mother would disagree
To get my way I would run from her to him
He makes me laugh just to comfort me
And finally make me do just what my mama said

Later night when I was asleep
He tucked a dollar under my sheet
Never knew that he, would be gone from me

If I could steal
One final glance
One final step
One final dance with him
I’d play a song that would never ever end
Cause I’d love love to dance with my father again

Sometimes I’d listen outside her door
I’d hear how my mother cried for him
Id pray for her even more than me
Id pray for her even more than me

I know I’m praying for much too much
But could you send back the only man she loved
I know you don’t do it usually
But dear lord she’s dying to dance with my father again.

Every night I fall asleep and this all I ever dream….


Me, My Staff and I

practice, practice, practice


This is me now...after 30 years of existence...happy but frigid.
Model Ba?

This is my 30th birthday and Geez I celebrated that painful day in Jollibee of all places and I'm abroad...palabok anyone.
Hi Friends! I'll be sending information on your mailboxes regarding my new venture - the diva venture...it's a freaking, fucking BLOG!

See you all or Not!

Rain

STOP AIDS

Support World AIDS Day
Click here to visit guys4men.com Add to My Yahoo!