SAMPAGUITA
Hango sa mga kuwento ng aking sariling ina noong kami ay mga bata pa.

ni Reinhurt Rentoza
Hindi pa rin ako nasasanay na sa tuwing me malakas na bagyo ay nakakadama ako ng takot. Ikinagugulat ko pa rin ang manaka nakang pag-angat ng bubungan naming tadtad ng kalawang sa tuwing madadaanan ang naglulubid na hangin. Hindi mo kasi matatantiya kung kailan babagsak o matutumba ang maliit naming barong-barong. Halos mawarak na ang dingding naming pawid at karton sa tindi ng hagupit ng panahon.
Dito na ako ipinanganak, namulat sa kahirapan at siguro dito na rin mamatay. Kung buhay lang sana si tatay. Ilang taon na ba ako, magsisiyam na pala. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagdiwang ng kaarawan – wala nga pala akong alaala na nagdiwang ako ng kaarawan.
Tuwang-tuwa akong pagmasdan ang mga batang naglalaro sa ulan. Hindi alintana ang putik at basura…hindi nila alintana ang bukas…sa kanila, ngayon ay ngayon…walang bukas. Napagdaop ko ang aking mga palad, ang kapal na pala ng mga kalyo ko sa kamay. Kawawa ka naman, pagod ka na ba? Napangiti ako sa aking naitanong. Wala akong karapatang mapagod. Sa isip-isip ko, ipahinga ko lang ang aking katawan, wala na to. E ano ba kung maraming kalyo, wala namang papansin nyan sa mahirap na katulad ko.
Nakalimutan ko na paano maging bata, hindi ko pinagdaanan yon. Oo, nakakadama ako ng inggit pag nakakakita ako ng mga batang ang gagara ng mga suot, me mga bitbit na laruan, malilinis. Ang saya saya nila, walang pagsidlan ng saya. Sabi ko nga, kung alam lang nila na sa edad kong to, nakabenta na ako ng daang kilo ng isda sa me talipapa sa tindahan ni Ka Lucing. Baka nga tong mga batang to hindi kumakain ng isda. Napangiti na lang ako sa aking naisip.
Ewan ko ba? Pag umuulan, hindi ko mapigilang mag-isip. Parang tumitigil ang pag-inog ng mundo sa akin at nangangarap akong gising. Sa tulad kong dukha, hanggang pangarap lang ang kaya kung gawin. Libre naman di ba? Tsaka, mas maige na yong mangarap kesa naman wala ka na ngang kinabukasan e pati pangangarap titipirin mo pa.
Uhu, uhu….natigil ako sa aking pagmumuni-muni. Gising na pala si nanay. Salamat naman at medyo matagal ang tulog nya ngayon. Ilang gabi na ring di siya magkatulog dahil sa kanyang ubo. Me sakit si nanay. Taon nya nang iniinda. Di ko alam kung anong sakit. Ang alam ko malubha, me dugo akong nakikita sa kanyang pinagduraan. Hindi na rin kinaya ng katawan ni nanay na magtrabaho sa pabrika ng tsinelas na pagmamay-ari ng mga mayayamang Lim. Matagal din si nanay don. Nang mamatay si itay, nakuryente don rin sa me pabrika, namasukan na rin si nanay. Wala kaming kakaining dalawa kung hindi nya ginawa.
Kumuha ako ng mangkok sa pingalan para paglalagyan ng lugaw at makakain na si nanay. Buti na lang at marami akong nabentang basahan sa highway kanina at nakabili ako ng tuyo. Maiba naman ang lugaw na kakainin niya.
Nay, kain na po kayo. Sandali po at iuupo ko kayo. Ang payat ni nanay. Lalo yata siyang pumapayat bawat araw at lalong nanghihina. Dati rati’y kaya nyang umupong mag-isa, ngayong halos ikabubuwal na nya. Anak, di ako gutom, pagak nyang bulong. Nay naman, wala ho kayong kinain ngayong araw. Lalo kayong manghihina nyan. Sige na po. Ganito palagi ang eksena naming mag-ina. Parang sumusuko na si nanay. Napapagod na siguro sya. Mabuti naman at nakalahati nya ang mangkok. Minsan, halos dalawang kutsara lang umaayaw na siya. Hiniga ko ulit si nanay, pinunasan ko ang pinagpawisan nyang noo. Habang nakapikit ang aking ina, pinagmasdan ko ang mukha nya. Mahihinuha mo sa mga gatla sa kanyang noo kung gaanong kalaking hirap ang dinanas nya. Ngunit hindi mo maikakaila ang kagandahang taglay ng aking ina.
Aakma na sana akong tatayo ay pinigilan ako ni Nanay. ‘Anak, halika lumapit ka sa akin.’ ‘Bakit po?’ ang tanong ko. ‘Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko sa ‘yo.’ Ako dapat ang gumagabay sa ‘yo at nagtratrabaho.’ ‘Hindi ka na nakapag-aral dahil sa sakit ko.’ ‘Uhu, uhu,uhu, kung buhay lang sana ang tatay mo, anak.’ ‘Patawarin mo ako.’ ‘Nay, huwag na kayong magsalita, ok lang po ako.’ ‘Kaya ko po tsaka masaya po ako sa ginagawa ko.’ ‘Hayaan nyo pag gumaling kayo e di don kayo bumawi, sa ngayon ako ang mag-aalaga sa inyo.’ ‘Salamat anak, maraming salamat.’ ‘Sige nay matulog na kayo at makakasama sa inyo ‘yang mga iniisip ninyo.’
Nakatulog na rin ako sa pag-iisip kong paano ko maipapagamot si inay. Kulang pa ang ibinibigay ng talipapa para sa pagkain at gamot ni nanay. Hindi ko napigilang maiyak. Kung bakit hindi na lang ako ang me sakit, bata pa naman ako at siguro mas madali akong gumaling. Sa bawat ubo ni Nanay, para isang hibla sa buhay nya ang nawawala. Hindi ko sinisisi ang diyos, wala akong sinisisi. Ang lahat ay nagkataon lang, sa amin, ke nanay, sa akin. Nagkataon lang na nasadlak kami sa kahirapan at di kailama’y mahahango pa, hindi na siguro.
Sa edad kong siyam, marami na akong alam na gawin kung ihahambing sa mga karaniwang bata sa edad ko. Napagisip-isip ko na di sapat ang kinikita ko sa palengke kaya’t nagsabi ako ke Mang Gener na kung pupuede e magbenta na rin ako ng sampaguita pagkatapos kong magtinda ng isda sa palengke. Si Mang Gener ang asawa ni Aling Barang na me hanguaan ng mga rosas at sampaguita dito sa amin.
Binabaybay ko ang kahabaan ng E. Rodriguez o di kaya’y kakanan at kakaliwa ako sa Araneta para magbenta ng sampaguita sa mga motorista. Lugmok ang buong katawan ko sa pawis, sa usok, sa alikabok ngunit di ko alintana dahil sa pagnanais kong makaipon para ipagamot si nanay. Di ko alam kung magkano basta pag me pera ako baka tatanggapin na rin ng doktor kahit magkano.
Napahangos ako ng madatnan ko si nanay nakaupo at halos hinahabol na ang hininga. Nay, nay, ano pong nangyayari sa inyo. Kumuha ako ng isang basong tubig at ipinainom ke nanay. Anak, hindi ko na yata kaya…nahihirapan na ako. Hiniga ko si nanay at kinumutan. Nay, hwag ho kayong magsalita ng ganyan…nagbebenta na rin po ako ng sampaguita nay, mabibili ko na po ang mga gamot na kailangan ninyo. Nay, huwag ninyo akong iiwan. Hindi ko po kayang mag-isa. Gagaling po kayo, gagawin ko po lahat.
Tinungo ko ang tokador para kumuha ng gamot ni Nanay…basyo na lang bote…wala na pala. Nay, sandali lang po ako ha. Bibili lang po ako ng gamot ninyo. Kulang pala ang pera ko, naibili ko na nang pagkain namin. Hindi nagpapautang si Mrs. Guevarra sa botika. Bahala na!
Misis, pagbilhan po ng gamot yong dati po. Ito po ang bayad. Aba’y Linette, kulang to ng singkwenta pesos. Misis, babayaran ko po kayo bukas, uutangin ko na lang po ang balanse. Hindi puede yan, malakas na sabi ni Mrs. Guevarra. Balikan mo na lang pag kumpleto yang pera mo. Hindi ako pilantropo Linette alam mo yan. Sige na po, kailangan lang ni Nanay ng gamot ngayon. Hindi ka ba nakakaintindi ha, putol sa akin ni Mrs. Guevarra.
Umalis akong luhaan ngunit di man lang naantig ang may-ari ng botika. Hangos ako kina Mang Gener. Nadatnan ko si Aling Barang. Napakiusapan ko na kung puede e magbenta pa akong muli ng sampaguita at ibibigay nya sa akin yong dami na pag naubos ko e kikita ako ng singkwenta.
Halos mabasag ko na ang mga bintana ng mga sasakyan, ilang beses na rin akong napagalitan at nasigawan. Sa bawat pagtigil ng mga ito’y hindi ko pinalalampas ang pagkakataon na mangatok. ‘Sampaguita, Sampaguita bumili kayo sa akin. Alang alang sa aking Nanay, sa aking mahal na nanay.’ ‘Sampaguita, Sampaguita bumili kayo sa akin. Alang alang sa aking Nanay, sa kanyang buhay.’ Kumakanta ako at umiiyak, naiisip ko si Nanay…nay sandali na lang po at mabibili ko na rin ang gamot ninyo. ‘Ineng, halika, bibilhin ko na lahat ‘yang Sampaguita mo at makauwi ka na.’ ‘Salamat po maam, salamat’. Binigyan ako ng butihing ginang ng dalawang daan.
Mabilis pa sa orasang tinakbo ko ang aming barong-barong ng mabili ko ang gamot ni nanay. Nay, nandito na po ako. Heto na po ang gamot ninyo. Nay, nay gising po muna kayo at makainom ng gamot ninyo. Nay, nanay, naaaaay….sabi ko naman po hintayin nyo ako nay. Madali lang naman po ako. Bakit di nyo po ako hinintay. Naay, paano na po ako ngayon. Ako na lang mag-isa nay. Bakit nyo ako iniwan…hindi na nagigising si nanay kahit gaano mang palahaw ang aking gawin. Wala na ang pinakamamahal kong ina, wala na si Nanay.
Sampaguita, sampaguita bumili kayo sa akin, alang alang sa aking nanay, sa nanay kong mahal.
Sampaguita…sa tuwing maamoy ko ang kanyang bango naaalala ko si Nanay…saan man sya naroroon ngayon alam ko masaya na siya…at ako…sa edad kung siyam, marami na akong alam na gawin.
Psst..bata magkano ‘yan? Sampu po!

No comments:
Post a Comment